Feeds RSS
Feeds RSS

Thursday, October 11, 2012

TRUST


"TRUST. Yun na siguro ang main fuel ng relationship namin. Even if there is love, kung walang tiwala sa isa't isa, wala ding mangyayari. We may just end up hurting each other dahil sa pagdududa, pagtataka, at tamang hinala. Yes, being in a long distance relationship, they say, is hard, pero 'di ba nga, nasa tao lang ang desisyon kung ipagpapatuloy nila o hindi ang nasimulan."
                                                                                                    - Maria Isabel Concordia, Umiibig



   Ako si Maria Isabel Concordia, simple, mapagmahal sa pamilya at kaibigan. May takot sa Diyos at sa kinauukulan. Ipinanganak ako sa payak na buhay sa probinsya at nagdalaga sa siyudad ng aking mga magulang.

   Bata pa lang ako, isa na akong malaking tagasubaybay ng mga mkabagbag damdaming palabas sa telebisyon at pelikula. Dala na lang siguro ng pagiging malapit ko sa aking mga nakatatandang pinsang mga babae, na tila, walang ibang inatupag kung hindi pag - usapan ang temang PAG-IBIG.

   Namulat ako sa matatalinghagang tanong ukol sa kanilang masinsinang pag-uusap tungkol sa kanilang minamahal. Kung bakit daw ba napakahirap, at sa parehas ding panahon ay napakasarap umibig. Mundo ng kilig at kaligayahan ang humikayat sa akin. Kaya't sa murang edad, ay hinihintay ko na ang taong bibihag ng aking damdamin.

   Paano nga ba umibig? Paano ba nagsisimula ang kaligayahang unti unti mo na lang nararamdaman, ngunit hindi mo malaman kung saan nanggagaling? Minsan ay hindi ka makatulog, sobrang pagkakapukaw ng kung ano anong halo halong imahinasyon at kung ano anong bagay ang iyong isipan. Minsan, hindi mo na alam kung ano ang tama at kung ano ang mali. Dahil ang mahalaga sa 'yo, ay ikaw ay UMIIBIG.



Itutuloy ..


 

0 comments:

Post a Comment